WATCH: “Kahit may pagtataksil, mahal ko pa siya” – Bautista

By Dona Dominguez-Cargullo August 08, 2017 - 11:21 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Ginawa umano ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ang lahat para maisalba ang relasyon nila ng asawang si Patricia Bautista.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, hindi napigilan ni Chairman Bautista ang pagbuhos ng emosyon nang tanungin kung mahal pa niya ang misis.

Sa kabila ng mga kontrobersiya na namamagitan sa kanilang buhay mag-asawa na ngayon ay lantad sa publiko, sinabi ng Comelec chair na sinikap niyang ayusin ang kanilang relasyon dahil mahal pa niya ang asawa.

Sampung buwan na ang nakalilipas ayon kay Bautista mula nang huli silang mag-usap ni Tish.

Mula nang nangyari ang aniya ay pag-ransak ni Tish sa taguan niya ng mga personal na ari-arian na pag-aari din ng kaniyang magulang at mga kapatid.

Kwento pa ni Bautista, sinubukan pa noon ng kaniyang kapatid na lalaki na sila ay pag-ayusin.

Sa nangyayari ngayon sa kaniyang pamilya, sinabi ni Bautista na pinakamahirap na hamon na kanilang kinakaharap ay ang naidudulot nito sa kanilang apat na anak na lalaki.

Halos maiyak din si Bautista nang ikwento na ang 14-anyos na anak na lalaki nila ni Tish ay ayaw nang pumasok sa eskwela, ang 13-anyos naman matamlay.

Ang bunsong anak nina Chairman Bautista at misis na si Tish ay edad walo at 18 naman ang panganay at pawang nag-aaral sa Ateneo.

Nang tanungin kung siya ba ay naging tapat naman na mister sa kaniyang misis, buong tapang na sinabi ni Bautista na hindi siya kailanman nangaliwa.

Ayon kay Bautista, kailan man ay wala siyang kinasama, wala siyang naging girlfriend at hindi pumatol o nakipagtalik sa kapwal lalaki.

Sa mga susunod na araw, sinabi ni Bautista na maglalabas siya ng mga ebidensya na magpapatunay na ang mga kontrobersiyang ito ay bahagi ng pangingikil at panggigipit sa kaniya.

 

 

TAGS: andres bautista, comelec, patricia bautista, Radyo Inquirer, andres bautista, comelec, patricia bautista, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.