Bus at motorsiklo, nagliyab matapos magkabanggaan sa Cagayan

Tinupok ng apoy ang isang pampasaherong bus at motorsiklo matapos na magkabangaan sa Tuguegarao City sa Cagayan, Martes ng umaga.

Ang GV Florida bus na patungong Tuguegarao ay nabangga sa motosiklo na minamaneho ni Noriel Christian Parallag habang binabaybay ang national highway sa Barangay Gosi.

Dahil sa lakas ng impact, parehong nagliyab ang dalalawang sasakyan.

Naganap ang aksidente alas 5:00 ng umaga.

Aminado si Parallag na nawalan siya ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at una niyang nabangga ang karitela na hila-hila ng isang kalabaw bago siya tumama sa bus.

Mapalad si Parallag na minor injuries lang ang kaniyang natamo habang ang 22 pasahero ng bus ay ligtas na nakababa bago lumakas ang apoy.

 

 

Read more...