Residential area sa Agham Rd., QC nasunog

 

Tinatayang nasa 30 kabahayan ang natupok ng apoy sa isang residential area sa Agham Road, Quezon City.

Nagsimula ang sunog sa mga kabahayan sa harap ng Philippine Science High School dakong 11:28 ng gabi ng Lunes.

Umabot pa sa ika-limang alarma ang nasabung sunog, bago ito tuluyang maapula ganap na 1:01 ng madaling araw.

Sa ngayon ay inaalam pa rin ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang naging sanhi ng sunog, pati na ang kabuuang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Read more...