Duterte, ayaw makialam sa isyu ng umano’y ill-gotten wealth ni Bautista

 

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na paiiralin niya ang “hands-off” approach sa umusbong na isyu kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Duterte, hindi niya pakikialaman o pipigilan ang anumang kasong kriminal na maaring maisampa laban kay Bautista, matapos ibunyag ng kaniyang dating asawa na si Patricia Bautista na mayroon siyang P1 bilyong halaga ng ill-gotten wealth.

Ani Duterte, magkakaroon talaga ng case field kaya ayaw na lang niyang ma-preempt ang anumang magiging hakbang ng Office of the Ombudsman o ng Kongreso.

Wala aniya siyang hurisdiksyon sa kaso kaya mananahimik na lang siya.

Maari aniyang imbestigahan ng Ombudsman ang kaso, at hindi na rin siya mag-aabala pa tungkol dito dahil hindi naman siya mambabatas para magsampa ng impeachment case.

Gayunman, nag-alok si Duterte ng tulong kay Patricia para makahanap ng abogado sakaling itutuloy niya nga ang pagsasampa ng kaso laban sa COMELEC chairman.

Read more...