Trillanes no comment sa mga dating kasamahan sa Magdalo
Tikom pa ang bibig ni Sen. Antonio Trillanes hinggil sa malaking usapin na kinakaharap ng mga dating kasamahan sa Magdalo group sa pangunguna ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Paliwanag ni Trillanes, masyado pang premature sa ngayon kung magbibigay ito ng komento hinggil sa nakalusot na higit sa P6 Billion na halaga ng ilegal na droga mula sa bodega ng BOC.
Umiwas din si Trillanes na magbigay ng anumang reaksyon sa pagkakadawit ng mga dating kasamahan sa Magdalo group.
Giit ni Trillanes na kapag ‘complete picture’ na ang mga nakalap nitong impormasyon doon na ito magbibigay ng komento sa pagkakalusot ng 600 kilo ng shabu sa Customs na kalaunan ay nakumpiska sa isang warehouse sa Valenzuela City.
Sa Kongreso kanina ay ipinag-patuloy ng House Committee on Dangerous Drugs ang imbestigasyon kaugnay sa nasabing drug smuggling sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.