WATCH: QC Gov’t, aminadong malaking hamon ang koleksyon ng basura kapag pinasara na ang Payatas

By Mark Makalalad August 07, 2017 - 11:44 PM

Aminado si Quezon City Administrator Aldrin Cuña na magiging problema sa ilang barangay sa QC ang pagtatapunan ng basura kapag tuluyan nang ipinasara ang Payatas sanitary landfill.

Ayon kay Cuña, nakikipag-ugnayan na sila sa Metropolitan Manila Development Authority na namamahala sa solid waste management sa paghahanap ng pagtatambakan ng basura ng siyudad.

Kaugnay nito kanya namang sinabi na dalawang landfill ang binigay sa kanila na opsyon sa pagtatapunan ng basura, ang sa Navotas at sa San Mateo, Rizal.

Batid din daw nila ang agam-agam ng mga residente ng lungsod lalo na’t yung mga may bahay na hindi nakolektahan ng basura noong kasagsagan ng bagyong Gorio.

Kaya naman, nanawagan din ang pamahalaan ng Quezon City na kasabay ng pag-aksyon nila sa isyu ng basura ay mag-practice rin ang kanilang mga residente ng 3R o Reduce, Reuse at Recycle.

Matatandaang ipinag utos ng DENR sa Payatas sanitary landfill na itigil muna ang operasyon nito bunsod ng peligrong dala ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Nakaplano na ring ipasara ang landfill sa katapusan ng taon para maiwasan ang landslide.

Narito ang buong report ni Mark Makalalad:

TAGS: Payatas, QC government, Payatas, QC government

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.