SK at Barangay elections sa Oktubre, hindi na tuloy, ipagpapaliban sa Mayo

By Rohanissa Abbas August 07, 2017 - 04:59 PM

inquirer file photo

Napagkasunduan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan na ipagpaliban ang Sangguniang Kabataan at Barangay elections sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, napagkasunduan ng mga kongresista ngayong araw na isagawa ang SK at Barangay elections sa susunod na buwan Mayo, kasabay ng plebisito para sa Charter Change at panukalang Bangsamoro Basic Law.

Ani Fariñas, kung hindi pa handa ang mga hakbang pagsapit ng Mayo, posibleng muling maantala ang naturang halalan.

Maliban dito, mananatili sa pwesto ang mga opisyal ng Barangay sa pamamagitan sa bisa ng holdover capacity sa halip na mag-appoint ng mga opisyal.

TAGS: Barangay elections, comelec, sk, Barangay elections, comelec, sk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.