Dagdag pang mga kasunduan nilagdaan sa ASEAA Ministerial Meeting

Isang framework agreement sa strategic cooperation ang nilagdaan ng Australia at European Union.

Sa nagpapatuloy na ASEAN Ministerial Meeting sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, nilagdaan ang ilang kasunduan nina Australian Minister for Foreign Affairs Julie Bishop at European Union High Representative for Foreign Affiars and Security Policy/Vice President of the European Union Federica Mogherini.

Nakapaloob sa kasunduan ang pagpapalakas sa kooperasyon ng dalawang bansa na may kinalaman sa foreign and security policy, sustainable development, climate chinage at economic and trade matters.

Hinihimok din ng kasunduan ang mga lider ng dalawang bansa na paigtingin pa ang business at civil society relations ng mga ito.

Ayon kay Bishop, bukas ang framework agreement sa mga bansang kasapi ng European Union.

Sinabi naman ni Mogherini, ang framework agreement ay pagpapakita lamang ng kanilang pakikiisa sa buong mundo na paigtingin ang international ties para sa kapakanan ng mga mamamayan ng mga bansa.

Read more...