Isang malaking sunog ang tumupok sa ilang mga kabahayan sa kahabaan ng Leveriza street sa Pasay City.
Dahil sa lakas ng hangin sa lugar ay mabilis na itinaas sa second alarm ang sunog kaninang 2:19 ng hapon at sa ikatlong alarma naman makalipas lamang ang ilang mga minute.
Sinasabing nagmula ang sunog sa bahay ni Ronald Rojas sa 165 David Street, Batangay 23, Zone 2, FB Harrison street, Pasay City.
Sa inisyal na report ng mga otoridad ay umaabot sa 35 bahay ang natupok ng apoy kung saan apektado ang mahigit kumulang 50 pamilya.
Umabot na sa tatlo ang naitalang sugatan, isa ang kawani ng Bureau of Fire Protection at dalawa ang mga sibilyan. Pawang mga minor injuries, mga gasgas sa braso, ang mga natamo ng mga ito.
Pasado alas-kwatro ng hapon ay hindi pa rin idinedeklarang fire undercontrol ang sunog at patuloy pa rin itong inaagapan ng mga pamatay-sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.