Palasyo tiniyak na tuloy ang imbestigasyon ng DOJ sa reklamo laban sa Sanggunian ng Iglesia ni Cristo

By Alvin Barcelona September 01, 2015 - 09:12 PM

iglesia ni cristo
Inquirer file photo

Tiniyak ng Malacañang sa publiko at sa itiniwalag na ministro ng Iglesia ni Cristo si Isaias Samson Jr. na tuloy ang imbestigasyon hinggil sa alegasyon nitong illegal detention laban sa liderato ng INC.

Ginawa ito ng Palasyo sa gitna ng mga lumulutang na balita na isa ito sa nabuong kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at pamunuan ng INC.

Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na sa kabila ng pahayag ng INC na nagkapaliwanagan at nagkaintindihan na ang pamahalaan at kanilang panig ay tuloy ang pagpapatupad ng rule of law.

Ayon sa Palasyo, wala namang naihahayag na magbabago na ang sitwasyon dahil sa haka-hakang kasunduan ng dalawang panig.

Matatandaan na nanindigan ang Palasyo sa pamamagitan ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na walang nabuong kasunduan sa pag-uusap ng dalawang panig.

Kabilang sa mga umugong na alegasyon ay ang pagpayag ng pamahalaan na pagbitiwin sa puwesto si Justice Secretary Leila de Lima kapalit ng pagtatapos ng protest rally ng mga kasapi ng INC.

TAGS: doj investigates inc, Iglesia ni Cristo, Radyo Inquirer, doj investigates inc, Iglesia ni Cristo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.