Mga ari-arian ni Bautista paiimbestigahan ng Malacañang

By Den Macaranas August 07, 2017 - 03:40 PM

Inquirer file photo

Hindi palalampasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang uri ng kurapsyon sa loob ng kanyang administrasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na tiyak na may gagawing imbestigasyon ang pamahalaan sa sinasabing P1 Billion unexplained wealth ni Comelec Chairman Andres Bautista.

Gayunman ay tumanggi naman si Abella na sagutin ang paratang ni Bautista na politically motivated ang nasabing mga bintang na nagmula mismo sa maybahay ng pinuno ng Comelec.

Nauna nang sinabi ni Ginang Patricia Bautista na aabot sa P1 Billion ang ill-gotten wealth ng kanyang mister na hindi niya idineklara sa kanyang 2016 Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng pinuno ng poll body na biktima siya ng marital infidelity at ninakaw umano ng kanyang misis ang ilan sa kanyang mga bank records.

Base sa direktang kautusan ng pangulo, nagsasagawa na ngayon ng kanilang imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naging expose’ ni Ginang Bautista./

TAGS: abella, andres bautista, comelec, duterte, SALN, abella, andres bautista, comelec, duterte, SALN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.