Pulis na hinihinalang miyembro ng Maute group kilala na ng PNP

By Chona Yu August 07, 2017 - 03:34 PM

Inquirer file photo

Matagal nang nasa AWOL o Absent Without Leave status ang pulis na sinasabing nakaiwan ng kanyang I.D sa isa sa mga lugar na kinaganapan ng barilan sa pagitan ng Maute group at ng mga tropa ng pamahalaan.

Sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na miyembro rin ng “Balik-Islam” group ang nasabing pulis.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, noong 2014 pa hindi nagre-eport sa kanyang mother unit ang nasabing tauhan ng PNP.

Iniimbestigahan na rin nila kung miyembro na ng teroristang grupo ang hindi pinangalanang pulis o baka naman nakuha lang ng mga miyembro ng Maute ang I.D nito sa gitna ng naganap na bakbakan.

Amiando rin ng pinuno ng PNP na inaasahan na nilang mas magiging mainit ang bakbakan sa magkabilang panig dahil maliit na lugar na lamang ang pinagkukutaan ng mga teroristang grupo.

TAGS: dela rosa, marawi, Maute, PNP, dela rosa, marawi, Maute, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.