Chief Insp. Espenido, ililipat sa lugar kung saan matindi ang operasyon ng narco-politicians

By Chona Yu August 07, 2017 - 12:46 PM

Bibigyan ng bagong assignment ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa si Ozamiz Chief of Police Chief Inspector Jovie Espenido.

Ito ay matapos ang matagumpay na operasyon ni Espenido laban sa napatay na si Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog at labinglimang iba pa na pinaniniwalaang sangkot umano sa ilegal na droga.

Ayon kay Dela Rosa, pinipili pa niya ngayon kung saan may malakas ang operasyon ng mga narco-politician at doon niya itatalaga si Espenido.

Aminado si Dela Rosa na in-demand ngayon ang serbisyo ni Espinido.

Samantala, ibinunyag ni Dela Rosa na isa si Espenido sa mga tatanggap ng award sa 116th National Police Service Anniversary sa August 9, araw ng Miyerkules sa Camp Crame.

Ayon kay Dela Rosa, tatanggap si Espenido ng special award dahil sa matagumpay na operasyon nito kontra sa illegal na droga.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang magbibigay ng parangal sa mga awardee.

Matatandaang bago napatay ang mga Parojinog, si Espenido rin ang nanguna sa operasyon laban kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., kung saan napatay din ito sa operasyon.

 

 

 

 

 

TAGS: Jovie Espenido, ozamiz city, parojinog, Radyo Inquirer, Jovie Espenido, ozamiz city, parojinog, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.