Heneral na umano ay sangkot sa Parojinog drug ring, iniimbestigahan ng AFP
Tinitignan ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na sangkot umano sa Parojinog drug ring ang isang general.
Kasunod ito ng paglutang ng balita na isang heneral ng AFP ang may koneksyon umano sa naarestong si Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog, at pinoprotektahan ang drug ring ng pamilya.
Ayon kay AFP Chief of Staff Eduardo Año, magsasagawa sila ng imbestigasyon at makikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para makakuha ng impormasyon ukol sa naturang ulat.
Hindi aniya nila palalampasin na mayroong aktibong heneral na masasangkot sa iligal na droga, o protektor ng sindikato ng droga.
Sa ngayon, sinabi ni Año na wala pa silang impormasyon kung aktibo pa sa serbisyo o nagretiro ang nasabing opisyal.
Kailangan pa aniya nilang makipag-ugnayan sa PNP o PDEA ukol sa kung ano ang hawak nilang impormasyon ukol sa heneral bago simulan ang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.