WATCH: Klase sa “Bakwit school” sa UP, inumpisahan na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2017 - 11:58 AM

Inquirer Photo | Jodee Agoncillo
Pormal nang nagsimula ang alternative class para sa nasa isangdaang Lumad students sa University of the Philippines – Diliman sa Quezon City.

Katuwang ng UP sa nasabing proyekto para sa mga mag-aaral na Lumad ang iba’t ibang institusyon.

Sa pagsisimula ng klase, 109 Lumad students ang dumalo sa alternative class na sinimulan sa isang flag ceremony sa International Center sa UP.

Naghandog din ng awitin ang mga estudyante.

Matapos ang flag raising ceremony, inumpisahan na ang kanilang klase sa pamamagitan ng pananalangin, pagsasagawa ng warm up exercise at pagpapakila sa sarili,

Isa-isa rin silang tinawag para mag-share ng kanilang mga pangarap sa buhay.

TAGS: alternative class for lumad students, bakwit school, University of the Philippines, up, alternative class for lumad students, bakwit school, University of the Philippines, up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.