FDA, nagbabala sa publiko sa paggamit ng isang brand ng vaginal tablet na galing India

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio August 07, 2017 - 10:40 AM

Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko hinggil sa pagbili at paggamit ng isang brand ng vaginal tablet na galing sa India.

Ayon sa abiso ng FDA, ang clotrimazole o canesten 100mg vaginal tablet ay na mayroong registration number na DR-XY32759 ay inangkat ng Marketing Authorization Holder, Bayer Philippines.

Sa isinagawang beripikasyon, hindi umano totoong sumailalim ito sa registration process ng FDA at hindi naisyuhan ng Certificate of Product Registration.

Ayon sa FDA, batay sa Republic Act No. 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon, pagpapatalastas o sponsorship ng produktong pangkalusugan nang walang kaukulang otorisasyon mula sa FDA ay ipinagbabawal.

Dahil hindi rehistrado ang nasabing gamot, nangangahulugan na hindi ito dumaan sa proseso ng pagsusuri ng FDA kaya hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan nito.

Ayon pa sa FDA, ang nasabing iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito.

Payo ng FDA sa publiko, huwag bumili ng nasabing iligal na produkto at maging maingat laban sa mga gamot na maaaring hindi rehistrado sa FDA.

Ang clotrimazole ay isang anti-fungal medication na ginagamit sa vaginal yeast infection.
 

 

 

 

TAGS: clotrimazole, FDA, vaginal tablet, vaginal yeast infection, clotrimazole, FDA, vaginal tablet, vaginal yeast infection

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.