Hinihinalang ‘hired killer’, patay sa buy-bust sa Cavite
By Mariel Cruz August 07, 2017 - 10:10 AM
Napatay ng mga pulis ang isang hinihinalang hired killer at drug pusher sa isang buy-bust operation sa Rosario, Cavite umaga ng Lunes.
Nabatid na ang suspek ay nakilalang si Joel Ibañez, residente ng Barangay Silangan 2.
Ayon sa pulisya, nanlaban si Ibañez nang ideklara ng mga operatiba ang pang-aaresto sa kanya.
Nagpaputok aniya ng baril ang suspek dahilan para barilin din siya ng mga pulis.
Narekober sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.