Chairman Andres Bautista: “Biktima ako ng pagtataksil at panggagahasa sa aking sariling pamamahay”

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2017 - 08:28 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Matapos ilantad ng kaniyang misis na si Patricia Bautista ang umano’y pagkakaroon niya ng ill-gotten wealth, napilitan na si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na ilantad sa media ang aniya ay pagtataksil ng kaniyang misis.

Ani Bautista, pinili niyang manahimik alang-alang sa kapakanan ng kanilang mga anak, pero ngayong pinaparatangan na umano siya ng mali ng kaniyang misis, ay kailangan na niyang ipagtanggol ang sarili, gayundin ang kaniyang pamilya.

Kwento ni Bautista sa Radyo Inquirer, matagal nang may problema sa kanilang relasyon.

“Hindi po totoo ang mga paratang na iyan. Matagal na kaming may problemang mag-asawa na ngayon ay nababahiran ng pulitika,” ani Bautista.

Tumanggi naman muna si Bautista na tukuyin kung sinong pulitiko o anung partido ang nasa likod ng sigalot.

Sinabi ni Bautista na siya ay biktima ng pagtataksil at panggagahasa sa kaniyang sariling pamamahay, matapos na ransakin at kunin ng kaniyang asawa ang mahahalaga niyang dokumento na kalaunan ay dinuktor para gamitin laban sa kaniya.

Aniya, noong minsang umuwi siya ng Pilipinas galing sa Estados Unidos, hindi siya agad pinapasok sa kaniyang sariling pamamahay. At nang siya ay makapasok, niransak na at bukas ang mga taguan niya ng dokumento.

Ayon kay Bautista, ngayong lumabas sa media ang kaniyang misis, handa siyang sagutin ang mga ito at ilahad ang pangingikil sa kaniya at panggigipit.

Alam aniya ng misis niyang si Patricia na ang mga tinutukoy nitong yaman ay hindi lamang kay Bautista kundi pag-aari din ng kaniyang magulang at mga kapatid.

Binanggit din ni Bautista sa Radyo Inquirer na 3rd party ang dahilan ng pagkakalabuan nila ng misis.

Aniya, mayroong 3rd party na sangkot sa panig ni Patricia.

Si Chairman Bautista at asawang si Patricia ay mayroong apat na anak na lalaki na ang edad ay nasa pagitan ng 8 hanggang 16.


 

 

 

 

TAGS: andres bautista, comelec chairman, ill gotten wealth, patricia bautista, andres bautista, comelec chairman, ill gotten wealth, patricia bautista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.