Eroplano ng American Airlines, nakaranas ng matinding turbulence, 10 ang sugatan
Sampung katao ang nasugatan matapos makaranas ng matinding turbulence ang biyahe ng Americal Airlines patungong Philadelphia.
Galing sa Athens, Greece ang American Airlines Flight 759 at patungo sa Philadelphia International Airport sakay ang aabot sa 300 pasahero nang ito ay makarannas ng ‘severe turbulence’ bago lumapag.
Nasugatan ang pitong crew ng eroplano at tatlong pasahero at dinala sa ospital.
Naganap ang insidente 30-minuto bago lumapag ang eroplano, kaya nakatayo ang mga crew ng eroplano at nagsisilbi ng inumin sa mga pasahero.
Karamihan umano sa mga crew ay nasa dulong bahagi ng eroplano at hindi agad nakabalik sa kanilang pwesto nang ihayag ang abiso na dapat silang bumalik sa kanilang upuan at magseatbelt dahil sa turbulence.
Ayon sa mga pasahero, marami ang nag-panic sa lakas ng pag-uga na naranasan ng eroplano na tumagal ng labinglimang segundo.
Matapos ito ay maayos din namang nakalapag ang eroplano at agad dinala sa ospital ang mga nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.