Tinambangang konsehal ng Pasay City, ilang beses nang pinagtangkaang patayin

By Mariel Cruz August 07, 2017 - 06:57 AM

Tinitignan ngayon ang pulisya ang anggulong paghihinganti sa pamamaslang sa konsehal ng Pasay City na si Borbie Rivera.

Ito’y matapos maabswelto ang konsehal sa kasong murder na inihain laban sa kanya noong 2016.

Ayon kay Southern Police District director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., ilang beses nang may nagtangka sa buhay ni Rivera kabilang na dito ang paghahagis ng granada sa kanyang bahay.

Nagsimula aniya ang pagbabanta sa buhay ni Rivera nang mabasura ang kasong murder laban sa kanya.

Isinangkot din ang konsehal kasama ang pitong iba pa sa pagpatay kay Mark Felizardo Baggang sa isang drive-by shooting sa Barangay Pio del Pilar, sa Makati noong January 2015.

Sinabi din ni Apolinario na nag-ugat ang naturang pamamaril, kung saan siyam na katao ang sugatan, sa gang war.

Noong nakaraang Hunyo, nakaligtas din si Rivera sa pananambang sa labas ng isang bar sa Diosdado Macapagal Boulevard sa Pasay City.

Binanggit din ni Apolinario na nagpapagaling pa si Rivera sa natamong sugat sa pananambang kung kaya naka-wheelchair pa ito.

Si Rivera ay pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa entrance ng SM Southmall sa Las Piñas City bandang 8:30 ng gabi ng Sabado.

 

 

 

 

TAGS: Borbie Rivera, Pasay City, Sm Southmall, Borbie Rivera, Pasay City, Sm Southmall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.