Ilang bahagi ng Metro Manila, maagang inulan; Luzon, apektado pa rin ng Habagat

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2017 - 06:35 AM

Maagang nakaranas ng pag-ulan ngayong araw ang ilang bahagi ng Metro Manila.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, mula pasado alas singko ng umaga, apektado ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang North Caloocan, Valenzuela, Navotas at Quezon City.

Naapektuhan rin ng pag-ulan ang San Antonio at Subic sa Zambales at ang mga bayan ng Morong, Bagac at Mariveles sa Bataan.

Ayon sa PAGASA, apektado pa rin ng Habagat ang western section ng Northern at Central Luzon.

Batay sa forecast ng PAGASA, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Ilocos region at mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Maliban sa Habagat, sinabi ng PAGASA na wala namang bagyo o Low Pressure Area silang minomonitor sa loob ng bansa.

 

 

 

 

 

TAGS: Metro Manila, Pagasa, Radyo Inquirer, Thunderstorms, weather, Metro Manila, Pagasa, Radyo Inquirer, Thunderstorms, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.