Ayon kay Nograles, posibleng hindi namamalayan ni Faeldon na ang kakulangan niya sa kaalaman sa opisina ay ginagamit na ng kaniyang mga tauhan para manipulahin ang sistema.
Dahil dito, maaring maipagpatuloy pa rin ngmga tiwaling tauhan ng Bureau of Customs ang kanilang mga iligal na aktibidad at kurapsyon.
Ang reaksyon na ito ni Nograles ay patungkol sa nasabat na P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa port noong May 22, ngunit nasabat na lang sa warehouse makalipas ang isang linggo.
Ani Nograles, maaring tapat naman talaga si Faeldon sa kaniyang mandato, ngunit wala siyang tiwala sa mga tauhan nito.
Imposible aniya kasing makalusot sa green lane ang naturang shipment nang walang ni isa sa opisina ang nakakaalam.
Aniya pa, pinapalusutan ng kaniyang mga bata-bata si Faeldon kaya ito nangyari.