NBI, dumulog sa Interpol para sa ikadarakip ng 2 Indonesian na wanted sa qualified theft at estafa

 

Humingi na ng tulong ang National Bureau of Investigation (NBI) mula sa International Police (Interpol) para sa pag-aresto at pag-extradite sa dalawang Indonesian na nahaharap sa mga kasong qualified theft at estafa.

Ipinaaaresto na ng korte ang mga dayuhan na sina Ery Shadik Wahono at Nadiya Stamboel dahil sa kasong qualified theft na nagkakahalaga ng P50 milyon na isinampa ng San Miguel Corporation.

Bukod dito, nagsampa rin ang San Miguel Holdings Corp. sa Department of Justice ng estafa laban sa dalawa.

Ang mga kasong ito ay may kinalaman sa pag-misrepresent ni Wahono sa kaniyang kumpanyang PT Citra Lamtoro Gung Persada bilang legal owner ng shares ng Citra Central Expressway Corp. na nabili ng SMHC.

Giit ng SMHC, hindi maaring maging legal at beneficial owner ang kumpanya ni Wahono dahil ang subscription price ay binayaran para sa Citra Metro Manila Tollways Corp., na ang pondo ay pag-aari ng SMHC.

Read more...