Task Force binuo na para lutasin ang pagpaslang sa Butuan Judge
Isang task force ang binuo para imbestigahan ang pagpatay kay Butuan Trial Court Judge Godofredo Abul Jr. matapos tambangan sa kanilang bahay na ikinasugat din ng kanyang asawang si Bernadita.
Ayon kay police director Chief Superintendent Rolando Felix, ang pagbuo ng task force ay makatutulong sa mga pulis upang maresolba ang pamamaslang.
Ani Felix, ang task force ay bubuoin ng mga opisyal mula sa Caraga Police Crime Laboratory, Scene of the Crime Office at Department of Justice.
Nauna na ngang kinundena ng Korte Suprema ang pagpaslang sa judge.
Sa isang pahayag, nanawagan si Chief Justice Sereno at ang mga associate justices sa mga awtoridad para sa agarang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima.
Si Abul na ang ikalawang judge na pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte matapos ang pagpaslang kay Retired Surigao City Judge Victor Canoy noong February 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.