Hukom sa Baler, Aurora patay sa pamamaril

baler auroraPatay ang isang hukom sa Baler, Aurora makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin ngayong hapon, unang araw ng Setyembre.

Ayon kay PO3 Asuncion ng Baler Aurora Police, ang biktima ay si Judge Erwin Alaba ng Baler, Aurora RTC Branch 91.

Kabababa lamang ng biktima sa kanyang kotse malapit sa court house nang siya ay pagbabarilin ng isang lalaking nakamotorsiklo.

Nagawa pang isugod sa ospital si Alaba pero idineklara na itong dead on arrival.

Sugatan din ang misis ng hukom na kasama nitong dumating sa court house.

Nagpapatuloy pa ang pagtugis ng mga pulis sa suspek na agad tumakas matapos maisakatuparan ang krimen.

Read more...