Bonus ng mga guwardya sa Cebu jail, napurnada dahil sa nasabat na droga sa bilangguan
Walang matatanggap ngayon na anumang cash incentives o bonus ang mga jail guards ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) mula sa lokal na pamahalaan.
Ito’y matapos masabat ang mga iligal na droga at tally sheets para sa sugalan nang magsagawa ng raid sa naturang piitan.
Ayon kay Cebu Gov. Hilario Davide III, makatatanggap ng P10,000 ang bawat casual at regular na empleyado sa lalawigan maliban sa mga jail guards ng CPDRC.
Inanunsyo ito ni Davide kahapon sa anibersaryo ng Cebu Provincial Capitol.
Giit ng gobernador, ibinibigay lang ang bonus para sa mga “superior achievements and accomplishments” ng mga empleyado ng kapitolyo.
Gayunman, sinabi ni Davide na hindi siya kuntento sa naging performance ng mga jail guards ng CPDRC lalo’t ilang sachet ng iligal na droga at tally sheets ang nakuha sa katatapos lang na Operation Greyhound.
Banta pa ni Davide, magkakatanggalan talaga kung hindi pa aayos ang mga tauhan ng CPDRC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.