‘Dapat mga karapat-dapat na estudyante lang ang makinabang sa libreng tuition’- Lacson
Dapat ay pawang mga mahihirap at karapat-dapat lamang ang makinabang sa libreng matrikula sa mga estudyanteng makakapasok sa mga state colleges at universities.
Ito ang iginiit ni Senador Panfilo Lacson sa isang panayam kaugnay sa pagsasabatas ng libreng tuition subsidy sa lahat ng mga paaralang pinatatakbo ng gobyerno.
Paliwanag ni Lacson, dapat maging malinaw sa implementing rules and regulations ng batas na mga karapat-dapat na mag-aaral lamang ang makikinabang sa libreng matrikula.
Dagdag pa ng senador, hindi naman magiging patas kung mapapabilang sa mga malilibre sa matrikula ang mga mag-aaral na nagbubulakbol sa pag-aaral at mga ‘bobo’.
Dapat rin aniyang regular na sinasala ng Commission on Higher Education o CHED ang mga benepisyaryo ng programa upang matiyak na tanging ang mga karapat-dapat na estudyante lamang ang makikinabang sa libreng matrikula.
Matatandaang noon Sabado, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay ng libreng matrikula sa mga estudyanteng pumapasok sa 112, SUC’s mga lokal na unibersidad at kolehiyo at mga technical-vocational schools na nasa pangangasiwa ng pamahalaan.
Ito’y sa kabila ng pahayag ni Budget Secretary BEnjain Diokno na wala itong pondo para sa tuition subsidy para sa taong 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.