Anim na bomba, bumagsak sa kalapit-bayan ng Marawi City

By Jay Dones August 07, 2017 - 04:25 AM

 

Hindi bababa sa anim na bomba ang bumagsak sa dalawang barangay sa bayan ng Marantao, Lanao Del Sur Linggo ng umaga.

Ang Marantao ay kalapit-bayan lamang ng Marawi City kung saan nagpapatuloy ang opensiba ng militar laban sa Maute terror group.

Dakong alas 7:00 ng umaga nang unang makarinig ng malakas na pagsabog malapit sa isang eskwelahan sa Bgy. Ragaya kung saan papasok ang mga estudyante na nagsasagawa ng special classes.

Sinundan ito ng mga pagbagsak rin ng isa pang bomba malapit sa bahay ng opisyal ng UN World Food Programme.

Dalawa pang bomba ang bumagsak di-kalayuan sa naunang mga pagsabog ngunit maswerteng hindi ito pumutok.

Kasunod nito, ilan pang bomba ang bumagsak at sumabog sa Bgy. Matampay sa bayan ng Marantao.

Dahil dito, nag-panic ang ilang residente at nagtakbuhan patungo sa munisipyo sa pangambang magpatuloy ang pagbagsak ng mga bomba.

Samantala, mariing itinanggi ng militar na nagmula sa kanilang mga eroplano ang mga bombing bumagsak sa Marantao.

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.