Pambubugbog sa TV cameraman sa INC protest rally, iimbestigahan na

By Jan Escosio September 01, 2015 - 06:07 PM

INC rally at Edsa Shrine  INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INC rally at Edsa Shrine
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Ngayong may blotter report na ang pambubugbog sa isang cameraman ng ABS-CBN sa kalagitnaan ng kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, maaari nang simulan ang imbestigasyon.

Ito ang sinabi ni NCRPO Director Chief Supt. Joel Pagdilao at aniya inatasan na niya ang Quezon City Police District na imbestigahan ang sumbong ng biktimang si Melchor Pinlac.

Kasabay nito ang panawagan ni Pagdilao kay Pinlac na pormal na magbigay ng kanyang sinumpaang-salaysay ukol sa pangyayari noong nakaraang Huwebes sa may Edsa Shrine.

Magugunita na kumukuha ng video si Pinlac nang kuyugin ito ng mga diumano’y miyembro ng INC sabay paratang na bias laban sa kanila ang ABS-CBN.

Ayon pa kay Pagdilao maging ang pamunuan ng INC ay interesado sa pangyayari at nangako ng kanilang kooperasyon sa isasagawang imbestigasyon.

TAGS: INC protest rally, Radyo Inquirer, TV cameraman, INC protest rally, Radyo Inquirer, TV cameraman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.