Nabasurang murder case ng Pasay councilor na pinatay, sisilipin ng SPD

By Mark Makalalad August 06, 2017 - 03:22 PM

Contributed photo

Babalikan ngayon ng Pamunuan ng Southern Police District (SPD) ang nabasurang murder case ni Borbie Rivera, ang konsehal na pinagbabaril kagabi ng riding in tandem.

Ayon kay SPD Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., titignan nila ang previous records ni Rivera na nakulong sa Makati Jail, 2 taon na ang nakakaraan.

Una na kasing napabalita na tinambangan noong Hunyo 23 ngayong taon si Rivera at away ang nakitang motibo dito.

Sa ngayon, hindi pa rin tukoy ang nasa likod ng krimen at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Ayon naman kay Sr. Supt. Marion Balonglong, Chief of Police ng Las Pinas City, humingi na rin ng sila kopya ng CCTV sa pamunuan ng SM Southmall para makita ang tunay na nangyari.

Kagabi, binaril ng hindi pa nakikilalang gunman ang konsehal Rivera habang naghihintay ito sa door 4 ng Southmall, mag-aalas-9 ng gabi.

Idineklarang dead on arrival si Rivera sa Asian Hospital sa Muntinlupa City makaraang magtamo ng bala sa kanyang katawan at ulo.

TAGS: Borbie Rivera, Marion Balonglong, Southern Police District, Tomas Apolinario, Borbie Rivera, Marion Balonglong, Southern Police District, Tomas Apolinario

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.