Higit isang milyong kabataan, makikinabang sa free tuition sa SUCs
Tinatayang isa punto dalawang milyung kabataang mahihirap ang makikinabang sa pagsasabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Free Tuition Act.
Ayon kay Alan Tanjusay, Tagapagsalita ng Associated Labor Unions-TUCP, malaking tulong sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya na mabigyan ng libreng matrikula ang mahigit isang milyung mahihirap na mag-aaral na nasa State Colleges and Universities at dalawan’daang libo na nasa vocationbal at technical schools.
Sinabi ni Tanjusay, dahil sa bumababang purchasing power ng sahod at mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo ay marami sa mga mahihirap na kabataan ang humihinto sa pag-aaral.
Kapag naipatupad na aniya ang batas ay maraming out-of -school youth din ang maiiwas sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.