Pangulong Aquino buo pa rin ang tiwala kay Justice Secretary Leila de Lima sa kabila ng issue sa INC

By Alvin Barcelona September 01, 2015 - 05:02 PM

EDSA de lima
Inquirer file photo

Nananatili ang suporta at tiwala ni Pangulong Benigno Aquino III kay Justice Secretary Leila de Lima.

Tiniyak ito ng Palasyo sa harap ng mga duda at agam-agam kung suportado pa rin ba ng administrasyon si De Lima sa kabila ng kilos protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo laban sa kalihim.

Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na nanatili ang kumpiyansa ng Pangulo kay De Lima kahit na binabatikos ito ngayon dahil sa paghawak sa kasong isinampa ng itiniwalag na ministro ng INC na si Isaias Samson Jr. laban sa Sanggunian ng nasabing grupong pang-relihiyon.

Una nang pinabulaanan ni De Lima ang balita na mapapaaga ang kanyang pagbibitiw sa puwesto kapalit ng pagtigil ng kilos protesta ng mga INC members na dumagsa sa EDSA nitong nakaraang weekend.

TAGS: justice sec leila de lima, PNoy, Radyo Inquirer, justice sec leila de lima, PNoy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.