Mga political consultants ng CPP-NPA di pwedeng arestuhin ayon sa NDF
Hilaw pa ang kautusan ng Office of the Solicitor General (OSG) na arestuhin ang mga political consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ipinahayag ng NDFP na hindi pa pormal na kinakansela ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.
Ayon kay, NDF legal consultant Edre Olalia na wala pang ipinadadalang “written formal notice of termination” ang gobyerno sa kanila na kinakailangan batay sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).
Aniya, sa kabila ng mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pagtalikod sa peace talks ay nanatiling epektibo pa rin ang JASIG.
Dahil dito, sinabi ni Olalia na paglabag sa JASIG ang pag-aresto sa consultants ng komunistang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.