Vietnam hinamon ang ASEAN na manindigan laban sa China

By Chona Yu August 05, 2017 - 04:54 PM

Bago pa man ang pagsisimula ng 50th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting ngayong araw ay nag-lobby na kahapon ang Vietnam para sa paglalabas ng matalim na pahayag laban sa umano’y pananakop ng China ilang mga teritoryo.

Partikular na tinukoy ng Vietnam ang sinasabi nilang “expansionism” ng China sa ilang mga teritoryo sa Southeast Asia.

Kabilang na dito ang ilang lugar sa West Philippine Sea kung saan ay kabilang ang Vietnam sa mga claimant countries.

Gusto ng Vietnam na isama sa ilalabas na joint communique ang tahasang pagbatikos ng mga bansang kasapi sa ASEAN sa ginagawang pananakop sa rehiyon ng China.

Sinasabi sa mga reports na nag-lobby rin ng kahalintulad na suporta ang mga Foreign Ministry officials ng Vietnam sa iba pang mga bansa tulad ng U.S, Russia at South Korea.

Inaasahang mas magiging mainitan ang debate sa hanay ng mga foreign ministers ng mga bansang kasapi ng ASEAN dahil sa nasabing pagla-lobby ng suporta ng Vietnam.

TAGS: Asean, Cayetano, China, Vietnam, Asean, Cayetano, China, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.