Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang silangang bahagi ng bayan ng Malapatan sa lalawigan ng Sarangani.
Alas 8:30 ng umaga nang maitala ito ng Philippine Institute of Volcanology at Seismolgy (Philvocs) sa layong 22 km silangang bahagi ng nasabing bayan.
May lalim na 30 kilometers at tectonic ang origin ang pagyanig.
Naramdaman naman ito sa intensity 4 sa Digos city at intensity 3 sa Davao City.
Sinabi ng Philvocs na posible ang mga aftershocks pero wala naman ito pagmumulan ng tsunami sa lugar.
Wala namang naitalang pinsala sa buhay at ari-arian ang mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.