Desidido ang administrasyong Aquino na hanapan ng solusyon ang lumalalang traffic sa Metro Manila.
Katunayan, ito ang pangunahing pag-uusapan sa ipinatawag na cabinet meeting kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan na direktang may kinalaman sa traffic.
Kabilang sa inaasahang pag-uusapan ang isinusulong na odd-even scheme.
Makatutulong aniya ito para masolusyunan ang bigat ng daloy ng mga sasakyan sa kalakhang Maynila.
Una na ding inatasan ng pangulo si Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras na pag-aralan ang naturang panukala.
Ang naturang hakbang ay dahil na din sa mga nakalatag ng proyektong pang-imprastraktura ng administrasyon.
Partikular aniya ang kasalukuyang flyover na magdudugtong mula sa ating paliparan o Ninoy Aquino International Airport(NAIA) patungo ng South Luzon Expressway o SLEX at North Luzon Expressway o NLEX.