Pangulong Aquino nagpatawag ng cabinet meeting para pag-usapan ang problema sa trapiko

By Alvin Barcelona September 01, 2015 - 04:23 PM

traffic pa more
Inquirer file photo

Desidido ang administrasyong Aquino na hanapan ng solusyon ang lumalalang traffic sa Metro Manila.

Katunayan, ito ang pangunahing  pag-uusapan sa ipinatawag na cabinet meeting kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan na direktang may kinalaman sa traffic.

Kabilang sa inaasahang pag-uusapan ang isinusulong na odd-even scheme.

Makatutulong aniya ito para masolusyunan ang bigat ng daloy ng mga sasakyan sa kalakhang Maynila.

Una na ding inatasan ng pangulo si Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras na pag-aralan ang naturang panukala.

Ang naturang hakbang ay dahil na din sa mga nakalatag ng proyektong pang-imprastraktura ng administrasyon.

Partikular aniya ang kasalukuyang flyover na magdudugtong mula sa ating paliparan o Ninoy Aquino International Airport(NAIA) patungo ng South Luzon Expressway o SLEX at North Luzon Expressway o NLEX.

TAGS: Metro Manila traffic, Radyo Inquirer, Metro Manila traffic, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.