Sigang drug pusher sa Navotas napatay ng mga pulis
Patay ang drug pusher na si alyas “Pechay”, matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa loob ng Market 3 Fishport sa navotas City.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng sumbong na may mga armadong kalalakihan sa loob ng Market 3 kaya’t kanila itong nirespondehan.
Pagdating sa lugar ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Navotas City PNP, bigla na lamang silang pinaputukan ng mga suspek.
Dito na gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ni “Pechay”, habang nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan.
Sinabi naman ni Roseta Opiasa, pangulo ng “Guardians” sa Market 3 Fishport na ang napatayna suspek ay isang tricycle driver na nagsa-sideline bilang drug pusher.
Kilala rin aniya ang suspek na lagging nasasangkot sa mga kaguluhan at nasa drug watchlist ng mga otoridad.
Narekober Kay pechay ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at isang Cal. 38 na revolver na may mga bala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.