Tumungong muli si Duterte sa Marawi City upang pataasin ang morale ng mga sundalo na patuloy na nakikipagbakbakan sa teroristang grupong Maute.
Aniya, nakakainsulto ang mga binitiwang komento ng dating pangulo lalo na at maraming mga pulis at sundalo ang nagbubuwis ng buhay para sa bansa.
Natural lamang anya na magalit siya kung sasabihing walang nangyayari sa mga repormang ipinatutupad niya partikular sa giyera kontra droga.
Ipinaalala naman ni Duterte sa mga sundalo ang kanyang pagmamahal para sa mga ito, at pinalakas ang loob ng hanay ng gobyerno para wasakin ang mga terorista.
Sa kasalukuyan, aabot na sa 119 ang nasawi sa hanay ng gobyerno sa patuloy na bakbakan.
Muli namang nangako ang Pangulo na tutulungan ang pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis.