Duterte, muling binanatan sa Aquino sa ikalawang pagbisita nito sa Marawi

By Rhommel Balasbas August 05, 2017 - 05:22 AM

Muling binanatan ni Pangulong Duterte si dating Pangulong Aquino sa muling pagbisita nito sa Marawi City kahapon.

Tumungong muli si Duterte sa Marawi City upang pataasin ang morale ng mga sundalo na patuloy na nakikipagbakbakan sa teroristang grupong Maute.

Aniya, nakakainsulto ang mga binitiwang komento ng dating pangulo lalo na at maraming mga pulis at sundalo ang nagbubuwis ng buhay para sa bansa.

Natural lamang anya na magalit siya kung sasabihing walang nangyayari sa mga repormang ipinatutupad niya partikular sa giyera kontra droga.

Ipinaalala naman ni Duterte sa mga sundalo ang kanyang pagmamahal para sa mga ito, at pinalakas ang loob ng hanay ng gobyerno para wasakin ang mga terorista.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 119 ang nasawi sa hanay ng gobyerno sa patuloy na bakbakan.

Muli namang nangako ang Pangulo na tutulungan ang pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.