53 na dating lulong sa droga, ‘graduate’ na sa mega drug rehab center sa Nueva Ecija
Limampu’t tatlo sa mahigit 400 na sumasailalim sa anim na buwang drug rehabilitation sa kauna-unahang mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija ang nakatapos na sa rehab procedures kahapon.
Ang nasabing mega rehab center na pinasinayaan ni Pangulong Duterte noong Nobyembre ng nakaraang taon ay nasa pangangalaga ng Department of Health.
Bukod sa 53 na nakatapos sa rehab, mayroon pang 360 na nalulong sa droga ang kasalukuyang sumasailalim sa rehab sa mega DATRC.
Ang mega DATRC sa Nueva Ecija na kayang makaaccomodate ng mahigit 10,000 pasyente ay isa lamang sa dalawa na nais itayo sa Luzon, samantalang target ding magtayo ng tig-isang mega rehab sa Visayas at Mindanao.
Pinuri naman ng Deparment of Interior and Local Government o DILG ang inisyatibo at efforts ng DOH sa pagsasagawa ng mga rehab sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay DILG Assistant Sec. Epimaco Densing III, ang mga rehab efforts ng gobyerno ay malinaw na indikasyon nang epektibong kampanya laban sa iligal na droga para maibalik ang mga drug surrenderees sa normal at mas maayos na pamumuhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.