Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon dahil sa iligal na pag-iingat ng matataas na kalibre ng baril.
Sinalakay ng mga operatiba ng Anti-Transnational Crime Unit ng CIDG ang may-ari ng isang trucking and scrap business na si Rogelio Tabanao.
Ayon kay CIDG-ATCU head Supt. Roque Merdegia, mayroong license to own and possess firearm (LTOPF) para sa kaniyang mga baril na AK-47, isang 12-gauge shotgun at cal. .45 na pistol, ngunit ito ay nag-expire na.
Aniya, naghain sila ng search warrant kahapon ng umaga na inilabas ng San Pablo City regional trial court laban kay Tabanao base sa impormasyon na natanggap nilang may mga baril ang negosyante sa kaniyang tahanan na hindi lisensyado.
Narekober sa tahanan ni Tabanao ang dalawang long firearms, pistol at iba’t ibang klase ng bala.
Paliwanag ni Merdegia, nag-expire na ang mga dokumentong hawak ni Tabanao para sa kaniyang mga armas.
Gayunman ipinunto rin niyang base sa bagong batas, hindi maaring mag-ingat ng matataas na kalibre ng baril, partikular na ang mga automatic na rifles.