Luzon makakaranas ng pag-ulan dahil sa typhoon Noru na nasa labas ng PAR
Inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon hanggang ngayong araw ang typhoon Noru na namamataan pa rin ngayon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang typhoon Noru sa 1,305 kilometers northeast ng extreme northern Luzon na kumikilos patungong kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Bukod sa Luzon, wala naman nang nakikita ang PAGASA na ibang maaapektuhan ng masamang panahon.
Gayunman, magdadala rin ito ng mahina hanggang katamtamang ulan na may paminsan-minsang paglakas ng ulan at pagbugso ng hangin.
Sa Metro Manila at western sections ng Luzon, inaasahan namang makakaranas ng mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan, na may kasamang isolated thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.