Eroplano ng Cebu Pacific nasangkot sa minor incident sa Mactan Intl Airport

By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2017 - 08:58 PM

Nasangkot sa isang insidente ang isang eroplano ng Cebu Pacific na mayroong lulan na 435 na pasahero.

Ayon sa abiso ng Cebu Pacific, ang front landing gear ng eroplano ay lumagpas sa runway bago ito mag take off.

Ligtas naman umano ang lahat ng pasahero ng flight 5J570 kabilang ang tatlong sanggol.

Sinabi ng Cebu Pacific na pinababa ang lahat ng pasahero para mahila ang eroplano.

Patungo sana ng Maynila galing Cebu ang eroplano nang maganap ang insidente sa Mactan Cebu International Airport alas 6:35 ng gabi ng Biyernes.

Muli namang maglalabas ng abiso ang Cebu Pacific kapag may update na sa insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cebu pacific, Mactan International Airport, minor incident, Radyo Inquirer, cebu pacific, Mactan International Airport, minor incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.