NBI, iimbestigahan ang pagpatay sa dating mamamahayag at consultant ng DOF
Inatasan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang NBI na magsagawa ng parallel investigation sa pagpatay sa isang dating news reporter at sa kapatid nito sa San Juan City.
Sa inilabas na Department Order 515 ni Aguirre sinabi ng kalihim na ang pag-iimbestiga sa pagpatay kina Michael at Christopher Marasigan ay sa ngalan ng public interest.
Nakasaad sa naturang utos ang pagsasagawa din ng NBI ng case build-up base sa kanilang pag-iimbestiga.
Inatasan din ng kalihim si NBI Director Dante Gierran na magsumite sa kanya ng status report ng kaso.
Noong HUwebes ng gabi, pinagbabaril ng riding in tandem ang magkapatid habang sila ay sakay ng gray mazda na may plakang WOU 583 sa Barcelona St. sakop ng Barangay Sta. Lucia.
Agad namatay ang 60-anyos na si Michael samantalang dead on arrival sa San Juan Medical Center ang nakakabatang kapatid.
Ang nakatatandang biktima ay dating reporter ng Business World at dating consultant sa DOF, samantalang negosyante naman ang kanyang kapatid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.