Libreng tuition sa SUCs ipatutupad sa school year 2018-2019 ayon sa DBM

By Rod Lagusad August 04, 2017 - 07:46 PM

Kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 10931 o ang Free Tertiary Education Law sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sinabi ng Department of Budget and Management na sa susunod na taon na ito maipapatupad.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin E. Diokno magkakaroon pa ng pagbabago sa proposed 2018 national budget.

Aniya ang naturang batas ay ‘forward looking’ at ito ay mapapatupad sa unang semester ng academic year 2018-2019 ayon kay Diokno.

Meron din aniyang magiging pagbabago sa nasa 16 bilyong piso na nakalaan sa iba’t ibang scholarship sa panukalang budget ng pangulo.

Una ng sinabi ng mga economic managers noong unang congressional hearing para sa panukalang P3.767-trillion budget para sa taong 2018, na kakailangin ng nasa 100 bilyong piso para mapondohan ang libreng tuition sa mga SUCs.

Ayon pa kay Diokno siya ay makikipag-ugnayan sa komiteng gagawa ng implementing rules and regulations ng naturang batas.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DBM, free tuition, SUCs, DBM, free tuition, SUCs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.