Anti-Hospital Deposit Law, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2017 - 05:15 PM

INQUIRER Photo

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapatupad ng mas istriktong parusa sa mga pagamutan na tumatanggi sa mga pasyenteng walang pang-deposito.

Inamyendahan ng Republic Act. No. 10932 ang Batas Pambansa Bilang 702, na mas kilala bilang “An Act Prohibiting the Demand of Deposits or Advance Payments for the Confinement or Treatment of Patients in Hospitals and Medical Clinics in Certain Cases,”.

Sa ilalim ng bagong batas, ang sinumang medical practitioner o empleyado ng ospital o clinic na lalabag sa mga prbisyon ng batas ay maaring mapatawan ng parusang pagkakalulong nang hindi bababa sa anim na buwan pero hindi lalagpas sa dalawang taon at apat na buwan.

May karampatan ding multa na P100,000 hanggang P300,000.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros na principal author at sponsor ng batas, sa pinalakas na anti-hospital deposit law, mahigpit nang ipagbabawal ang paghingi ng deposito bago gamutin ang pasyenteng nasa emergency situation.

Dahil dito, sinabi ng senadora na wala nang mahihirap na pasyente na maitataboy ng mga ospital at mas magiging madali na para sa lahat ng magkaroon ng access sa kalusugan.

 

 

 

 

TAGS: anti hospital deposit law, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, anti hospital deposit law, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.