Pinayagan ng Sandiganbayan si dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo na makabiyahe sa labas ng bansa.
Dalawang magkahiwalay na resolusyon ang inilabas ng Sandigabayan 7th Division para sa Taiwan at European trips ni Arroyo mula August hanggang October.
Sa apat na pahinang mosyon ni Arroyo sinabi nito na bibiyahe siya sa Taiwan mula August 25 hanggang 28, na susundan ng biyahe sa tatlo pang bansa sa Europa na Germany, France at Spain mula September 10 hanggang October 5.
Nangako naman si Arroyo na babalik siya sa bansa at sinabing walang dahilan para tuluyan siyang umalis ng Pilipinas dahil nandito ang kaniyang pamilya at negosyo.
Ang dating unang ginoo ay nahaharap sa kasong graft kaugnay sa iregularidad sa pagbili ng dalawang second-hand helicopters noong 2009 ng PNP.
Kinasuhan ng Office of the Ombudsman si Arroyo at labingsiyam na iba pa matapos bilhin ng PNP ang choppers sa Lionair Inc., dahil sa uitos umano ng unang ginoo.