Ozamiz City Councilor Ricardo Parojinog, ipinapasailalim sa lookout bulletin

By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2017 - 03:27 PM

Inatasan ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang Bureau of Immigration (BI) na bantayan ang anumang pagtatangka ni Ozamiz City Councilor Ricardo “Arthur” Parojinog na lumabas ng bansa.

Nagpalabas si Aguirre ng immigration lookout bulletin order, limang araw matapos ang madugong raid sa bahay ng pamilya Parojinog sa Ozamiz.

Si Ricardo ay wala sa kaniyang bahay nang pasukin ito ng mga otoridad.

Isa ang bahay ng konsehal sa subject ng search warrant na inilabas ni Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City Regional Trial Court kaugnay sa illegal possession of firearms and ammunition.

Nakakuha ang mga pulis ng shabu at mga drug paraphernalia, isang shotgun, tatlong rocket-propelled grenade launchers, dalawang hand grenades at M79 ammunition mula sa bahay ng konsehal.

Bagaman pwede pa ring lumabas ng bansa si Ricardo Parojinog kahit mayroong lookout bulletin laban sa kaniya pero may mga kondisyon at requirements kabilang ang clearance mula sa DOJ.

 

 

 

 

 

 

TAGS: ozamiz city, Radyo Inquirer, ricardo parojinog, ozamiz city, Radyo Inquirer, ricardo parojinog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.