‘Idealismo’ ng Magdalo soldiers, hindi sapat sa tindi ng lagayan sa Customs

By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2017 - 10:13 AM

Kahit santo ay masisilaw sa laki ng halaga ng salapi na umiikot sa Bureau of Customs (BOC).

Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker at Marikina 2nd Dist. Rep. Miro Quimbo hinggil sa kontrobersiyang bumabalot ngayon sa customs.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, kahit mga sundalo na ng Magdalo na puno ng idealismo ang karamihan sa mga opisyal na nakaupo sa ahensya, hindi pa din ito naging sapat para mapaglabanan nila ang malaking perang sangkot sa lagayan sa BOC.

Sinabi ni Quimbo an dahil P300 milyon kada araw ang pinag-uusapan, marahil ay kahit santo pa ang ilagay sa pwesto ay mabubulag sa salapi.

“(Hindi sapat ang idealism), kapag malaking pera pinag-uusapan, kapag 300 million pesos kada araw ang pinag-uusapan, ipagpaumanhin niyo, pero kahit sinong santo siguro ilagay diyan sa tingin ko mabubulag talaga e,” ani Quimbo.

Magugunitang si Customs Commissioner Nicanor Faeldon na isang Magdalo soldier ay itinalaga ni Pangulong Duterte sa nasabing pwesto.

Noong nakaraang taon, binigyan naman ni Faeldon ng pwesto sa Customs ang nasa 20 pang Magdalo soldiers kabilang sina dating Army captains Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo.

Ayon kay Quimbo, walang nagbago sa kalakaran sa customs at mistulang lumala pa nga korapsyon.

Base sa nalantad na kontrobersya hinggil sa pagkakapuslit ng mahigit P6 billion na halaga ng shabu, malinaw aniyang nananatili ang ‘poor management’ sa ahensya.

Kaugnay nito, sinabi ni Quimbo na nakahanda ang customs broker na si Mark Ruben Taguba na isiwalat sa house of representatives ang mga opisyal ng customs na tumatanggap ng lagay.

Bibigyan aniya ng immunity si Taguba para tumestigo sa mga korapsyon sa customs at banggitin ang pangalan ng lahat ng opisyal na nabibigyan ng pera.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bureau of Customs, drugs, miro quimbo, P6 billion worth of shabu, Bureau of Customs, drugs, miro quimbo, P6 billion worth of shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.